HOUSTON (AP) — Hataw si James Harden sa naiskor na 26 puntos, ngunit ang dalawang krusyal free throw ni Nene sa huling 0.7 segundo ang umakay sa Houston Rockets sa 118-116 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Naisalba ng Houston ang ikaanim na sunod na panalo sa kabila ng matikas na 49 puntos si Thunder guard Russell Westbrook.
HAWKS 99, PELICANS 94
Sa New Orleans, isinantabi ng Atlanta Hawks ang biglaang trade ni Kyle Korver sa Cleveland para gapiin ang Pelicans.
Kumubra si Dennis Schroder ng 23 puntos, habang kumana si Paul Millsap ng 17 puntos at 10 rebound para sa ikalimang sunod na panalo ng Hawks.
Sa iba pang laro, ginapi ng Detroit Pistons ang Charlotte Hornets, 115-114; giniba ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets, 127-99; pinatulog ng Toronto Raptors ang Utah Jazz, 101-93; sinilaban ng Portland TrailBlazers ang Los Angeles Lakers, 118-109; sinakluban ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, 102-95; at ginapi ng Indiana Pacers ang Brooklyn Nets, 121-109.