Tiniyak ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na magiging malinis at ligtas ang kalsadang dadaanan ng milyun-milyong deboto na makikiisa sa prusisyon sa Lunes.

Ayon sa alkalde, ipinag-utos na niya ang malawakang clearing operation sa ruta ng prusisyon pati na ang anti-criminality operation ng Manila Police District (MPD), na nagsimula nitong Miyerkules at matatapos bukas, Linggo.

“Gusto nating ligtas ang lahat at maging mapayapa at maayos ang prusisyon, at mabawasan kahit papaano ang perwisyo sa trapiko,” ani Estrada.

Ayon naman kay City Engineer Rogelio Legazpi, mahigit 600 katao ang nagsasagawa ng clearing operation sa paligid ng Quiapo Church, partikular na sa Villalobos, Carlos Palanca, at Hidalgo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Pinaalis natin ang mga vendor. Inaalis natin ang mga nakahambalang na istruktura at pati na rin mga illegal terminal,” pahayag ni Legazpi.

Tsinitsek din, aniya, ang mga walang takip na drainage at manhole at nakalawit na mga linya ng kuryente na maaaring makasakit sa mga deboto, at hinatak din ang ilang sasakyan na ilegal na nakaparada. (Mary Ann Santiago)