Isang detainee na nakatakda sanang isailalim sa inquest proceedings ang binaril at pinatay sa loob mismo ng presinto nang agawin nito ang baril ng kanyang police escort sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod ang tumapos sa buhay ni Tomas Javier, 43, ng 4856 F. Antonio Street, Old Sta. Mesa, Maynila.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang mga pulis na sangkot sa insidente na kinilalang sina PO1 Ordep Ocampo at PO2 Hanny Mark Salamanca, kapwa nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Station 8.

Batay sa ulat ni Police Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng MPD-Station 8, dakong 8:45 ng gabi nangyari ang insidente sa loob mismo ng naturang presinto na matatagpuan sa Ramon Magsaysay Boulevard, kanto ng Old Sta. Mesa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa salaysay ni Ocampo, bago ang insidente ay dadalhin sana nila si Javier, at isa pang detainee sa Manila Prosecutors’ Office upang isailalim sa inquest proceedings.

Pinosasan umano nila ang mga suspek ngunit bigla na lang umanong hinablot ni Javier ang Glock 17 Gen 4 na service firearm ni PO2 Hanny Mark Salamanca at itinutok sa pulis.

Nakita naman umano ni Ocampo ang pangyayari kaya hindi na ito nagdalawang-isip na barilin ang suspek.

(Mary Ann Santiago)