KABILANG sina John Lapus at Mo Twister sa nag-react sa appointment ni Margaux “Mocha” Uson bilang isa sa board members ng MTRCB.

“I promised myself NO NEGA POST FOR 2017. Pero t_ngnaman, Mocha in MTRCB?” reaction ito ni John.

Mas grabe ang reaction ni Mo: “Hey Dutertards! What the f_ck? I thought you said when your horse wins that Change is Coming? Looks like the same old shit to me. Remember when #DU30 initially won, we all said, ‘I wonder what government post will be given to Mocha? We said that because we all understood how government payback works. Help a guy win the election and he repays the person with positions that they have no track record that qualifies them for it. That, or she gives a monster BJ. How many celebs have been appointed na? In August, Mocha said she doesn’t need a government position. Even she knew she was gonna get offered by the President. Hahaha. T_ngina. Trapo. But I know, I know. The comments section below is gonna be full of ‘Hey Mo, go to Davao to see the paradise that is. #DU30 #SameShit.”

Si Ai-Ai delas Alas, idinaan ang reaksiyon sa tawa at pagsang-ayon kay John. Makapag-survey nga sa showbiz tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero si Sen. Tito Sotto, pumabor sa appointment ni Mocha sa MTRCB. Sa na-post na interview sa kanya sa GMA News sabi nito: “Good choice. Congrats! She abounds with common sense and has a good pulse of the public. She will do a lot better than some people I know.”

Samantala, nagpahayag si Mocha na bilang member ng censors ay hindi niya pahihintulutan ang “soft porn” sa primetime television shows.

“Pagtutuunan po natin ng pansin na mawala na ‘yung mga ‘soft porn’ sa mga teleserye,” sabi ni Mocha nang interbyuhin ni Mario Dumaual. “Kung hindi car sex scene, sa garden. ‘Yung isa naman sa mga kuwarto-kuwarto... dapat magkaron na ng pagbabago sa telebisyon.”

Nag-post din si Mocha ng reaksiyon sa mga kumukuwestiyon sa kanyang appointment.

“Sa mga bumabatikos na kesyo magiging malaswa na daw ang MTRCB dahil sa pagiging open-minded ko, eh, hindi po kayo updated. Matagal na po ‘yang mga video o picture na inu-upload ng mga haters.

“Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping suweldo... kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte’s Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects,” aniya.

(NITZ MIRALLES)