060117_genasuncion_resigned_01-copy

Nagbitiw si Deputy Director for Operations Rolando Asuncion ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanyang trabaho matapos lamang ang limang buwan.

Sinabi ng dating police general na isinumite niya ang kanyang resignation letter kina BuCor Director General Benjamin Delos Santos at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Enero 5. “I submitted my resignation yesterday with immediate effect,” aniya.

Sa kanyang liham, binanggit ni Asuncion na magbibitiw siya alang-alang sa kapakanan ng Bucor.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Asuncion, nalaman niya sa pamamagitan ni Delos Santos ang tungkol sa utos ni Aguirre na maghain muna siya ng leave of absence habang nagpapatuloy ang administrative investigation sa kanya.

Nilinaw niya na hindi siya takot sa pagsisiyasat ni Delos Santos, pero naisip niya na posible itong humantong sa hindi nila pagkakasundo at maaapektuhan ang BuCor. Binigyang-diin niya na aalis siya na malinis ang konsensya. Hindi nakasaad sa liham kung ano ang dahilan ng imbestigasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Asuncion na nais niyang si Delos Santos ang pipili ng sarili nitong deputy director.

Ang BuCor, ang may hurisdiksiyon sa New Bilibid Prison (NBP) na nabalot ng maraming kontrobersiya kabilang ang umano’y kalakalan ng iligal na droga, pagpupuslit ng kontrabando, prostistusyon at pagkakaloob ng VIP treatment sa high profile inmates.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto si Asuncion noong Hulyo 2016 at nagsilbing officer-in-charge bago itinalagang director si Benjamin Delos Santos noong Disyembre. (Beth Camia at Bella Gamotea)