SIMULA Enero hanggang Disyembre nitong nakaraang taon, nanguna at pinanood sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN kumpara sa ibang TV networks sa naitala nitong average audience share na 45%, mas mataas ng 11 puntos sa 34% ng GMA.
Base ito sa survey data ng multinational audience measurement provider na Kantar Media, na gumagamit ng nationwide panel size na 2,610 mula urban at rural homes na kumakatawan sa 100% TV viewing population ng bansa.
Dos ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime (6PM-12MN) na nagtala ng ng 49%, mas mataas ng 16 na puntos kumpara sa 33% ng GMA.
Nanguna rin sa morning block (6AM-12NN) ang ABS-CBN sa naitalang 39% kumpara sa 35% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) na nagtala ito ng 44% laban sa 35% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) na nagkamit naman ng 44% kumpara sa 35% ng GMA.
Samantala, ABS-CBN din ang namayagpag sa listahan ng mga programa na naging paborito ng mga manonood noong 2016, dahil 16 na Kapamilya programs ang kasama sa top 20 simula Enero hanggang Disyembre 2016 (maliban sa Holy Week). Una sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano (40%) kasiunod ang The Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31%), Wansapanataym (30.7%), TV Patrol (30.6%), Pinoy Boyband Superstar (30%), at MMK 25 (29.9%).
Kasama rin sa listahan ang Home Sweetie Home (24.9%), Magpahanggang Wakas (24.4%), Goin Bulilit (23.3%), Rated K (21.3%), Minute to Win It: Last Man Standing (20.3%), at On The Wings of Love (19.9%).
Samantala, ang ABS-CBN special na PiliPinas Debates 2016 ang programa na pinakamarami ang nanood noong 2016 na nakuhang national TV rating na 40.6%. Pasok din sa listahan ang one-time specials na Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko (32.9%) at Halalan 2016: Ang Huling Harapan (25.7%).
Bukod sa pangunguna sa airwaves, nangunguna rin sa digital platform ang ABS-CBN na ngayon ay mayroon nang 6 million subscribers sa iWant TV, ang pinakaunang video-on-demand service at nangungunang OTT platform sa bansa. Sa mabilis na transition nito sa pagiging digital company, patuloy na nauungusan ng ABS-CBN ang ibang media networks sa pagbibigay ng online content sa mga manonood.
Ang mga programa sa iWant TV na pinakamarami ang nanood nitong Disyembre ay FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, The Greatest Love, Till I Met You, at Magpahanggang Wakas.
Samantala, mas maraming Pilipino na ang nakakapanood ng ABS-CBN shows dahil sa parternship nito sa PLDT, Inc., na nagbibigay ng access sa PLDT at Smart subscribers para matunghayan ang mga palabas, specials, at exclusive content sa iWant TV.
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa, tinalo rin ng ABS-CBN ang GMA simula Enero hanggang Disyembre 2016. Panalo sa national TV ratings ang Kapamilya network sa Total Balance Luzon na may average audience share na 47% laban sa 35% ng GMA; sa Total Luzon kung saan nagtala ito ng 40% kumpara sa 37% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 54% kumpara sa 26% ng GMA; at sa Total Mindanao na may 56% laban sa 28% ng GMA.
Bukod sa radyo at telebisyon, nangunguna rin ang ABS-CBN sa local music, film, cable TV, at publishing industries.
Ito rin ang unang nagpakilala ng digital television sa bansa. Sa pagtatapos ng Nobyembre, ang ABS-CBN TVplus ay nakabenta na ng 2 million boxes nationwide.
Pumasok na rin sa iba’t ibang negosyo ang ABS-CBN gaya ng telecommunication services, money remittance, cargo forwarding, TV shopping services, at theme park development, isang patunay na hindi na lamang ito isang broadcasting company sa paglipas ng panahon.