Enero 6, 1979 nang maging No. 1 sa Billboard Hot singles sa Amerika ang awiting “Too Much Heaven” ng Brothers Gibb na mas kilala bilang Bee Gees. Ito ang unang single ng grupo sa kanilang ika-15 studio album na “Spirits Having Flown”.

Ito ang ikapitong beses na ginawaran sila ng pagkilala sa kabuuan ng kanilang career. Pang-apat ito sa anim na sunud-sunod na pagiging numero uno ng grupo, na tinumbasan ang record ng Beatles. Ang “Too Much Heaven” ay ang kontribusyon ng banda sa pagkalap ng pondo para sa “Music for UNICEF.” Nagtanghal sila sa isang konsiyerto noong Enero 9, 1979 sa pamamagitan ng awiting ito. Naging No. 1 din ito sa Canada at pumangatlo sa United Kingdom.

Tumagal ng dalawang linggo ang “Too Much Heaven” sa U.S pop chart bago napalitan ng “Le Freak,” ng disco group Chic, na bumalik bilang numero uno. Dalawa pang awitin mula sa album ang naging No. 1; ang “Tragedy” at “Love You Inside Out.”

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina