Napatay sa engkuwentro ang isang bomb expert na kaalayado ng Islamic State sa bansa nang makipagbarilan siya sa mga pulis sa bayan ng Kiamba, Sarangani, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ang napatay na si Mohammad Jaafar Maguid, alias “Kumander Tokboy.”

Batay sa police report, pinigil ang sasakyan ng grupo ni Maguid sa isang checkpoint sa Angel Beach Resort sa Kiamba.

Imbis na tumigil ay nakipagbarilan umano sina Maguid sa mga pulis na nakatalaga sa checkpoint. Nasawi si Maguid sa engkuwentro at ang kanyang mga kasamahan na sina Matahata Dialawahe Arboleda, Ismael Sahak, Morhaban Veloso at isang alyas Bugoy.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Nabatid na pumuga si Maguid mula sa Sarangani provincial jail, kung saan siya nakakulong bilang suspek sa pambobomba sa Maasim Municipal Hall at panununog ng bus noong nakaraang taon.

Sinabi ng pulisya na balak ni Maguid na kilalanin ang kanyang grupo ng Islamic State, na umaako sa maraming insidente ng karahasan sa Europe at Middle East. (Fer Taboy)