Pinagtibay ng House Ways and Means Committee ang panukalang batas na naglalayong higit na mapabuti ang pangongolekta ng Value Added Tax (VAT) ng gobyerno.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng electronic data information interconnectivity (EDII) sa pagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng mga negosyo sa bansa sa gamit ang cash-register machines (CRM) at/o point-of-sales (POS) machines.

Sinabi ni Rep. Dakila Carlo E. Cua (Lone District, Quirino), chairman ng komite at may-akda ng House Bill 4601, dapat pagbutihin ang sistema ng pamamahala sa buwis ng gobyerno.

“Tax administration is the heart of taxation. However, given the country’s tax laws as to what and how much to be taxed, it is still the system of tax collection which is the be-all and end-all of every government’s fiscal standing,” puna ni Cua. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'