Kinontra ni Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles ang plano ng Department of Finance (DoF) at ng Department of Budget and Management (DBM) na taasan ang buwis o excise tax sa diesel na karaniwang ginagamit ng mga ordinaryong driver at motorista.

Sa halip, iminungkahi niya na dapat pag-aralan kung higit na makatuwiran na taasan ang Value Added Tax (VAT) sa mga tinatawag na “sin product” tulad ng sigarilyo at alak.

Katwiran ni Nograles, ang diesel at iba pang produktong petrolyo ay basic commodities na may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mahihirap at magiging taliwas sa social reform agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin niya na ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa diesel ay tiyak na makababawas sa purchasing power ng mga Pinoy dahil mangangahulugan ito ng mas mataas na presyo ng pamasahe at paghahatid ng mga produkto sa pamilihan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

(Bert De Guzman)