APTOPIX Warriors Cavaliers Basketball

OAKLAND, California (AP) – Sa unang sigwa ng botohan para sa All-Star Game, higit na popular si Zaza Pachulia bilang premyadong center sa Western Conference kumpara kina Anthony Davis ng New Orleans at DeMarcus Cousins ng Sacramento Kings.

Sa inilabas na resulta ng NBA voting nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), pumapangalawa ang Golden State Warriors center sa kanyang pamosong teammate na si Kevin Durant bilang frontcourt starter sa Western Conference, tangan ang boto na mas marami kumpara kina Kawhi Leonard, Draymond Green, Davis at Cousins.

Nangunguna si Durant sa nakuhang 541,209 boto, kasunod si Pachulia na may 439,675. Pangatlo si Leonard, 2014 NBA Finals MVP at two-time NBA Defensive Player of the Year, sa nakuhang 341,240 boto kasunod si Davis na may 318,144.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tangan naman ni Stephen Curry ang No.1 spot sa guard position kasunod sina James Harden, Russell Westbrook at Klay Thompson.

Sa kabuuan, anim na miyembro ng Golden State Warriors ang kasama sa top 10 sa Western balloting.

Batay sa regulasyon ng pagpili, iboboto para sa NBA All-Star starting lineup ang tatlong frontcourt player at dalawang guard. Ang pagpili ay batay sa resulta ng boto ng mga tagahanga (50 percent) at kapwa player, gayundin ang media na may tig-25 porsiyento.

Kinuha ng Warriors ang journeyman center mula sa Republic Georgia para sa isang taong kontrata kung saan nakapagtala siya ng averaged 5.2 puntos, 5.8 rebound, 2.5 assist at 0.5 block sa 17 minuto paglalaro bilang starting center.

Sa East, nangunguna si LeBron James, kasunod sina Giannis Antetokounmpo, at Kevin Love sa front court at sina Kyrie Irving at Dwyane Wade sa backcourt.

Gaganapin ang 66th NBA All-Star Game sa Pebrero 19 sa Smoothie King Center sa New Orleans.