CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte – Sinabi ng pulisya na meron na silang mga impormasyon na makatutulong sa pagkilala ng mga nambomba noong pista sa bayan Hilongos na ikinasugat ng 35 katao noong Disyembre 28.

Ayon kay sa acting chief ng Eastern Visayas regional police na si Chief Supt. Elmer C. Beltejar, malapit nang mabunyag ang mga suspek sa pambobomba sa plaza ng Hilongos kung saan marami ang nanonood ng amateur boxing.

Sinabi ni Beltejar na nakunan ng isang security camera sa plaza ang tatlong kahinahinalang kalalakihan na papaalis ng plaza ilang minuto lang bago nagkaroon ng pagsabog.

Namataan ang tatlong lalaki nang rebyuhin ng mga imbestigador ang hard drive ng naturang camera.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ani Beltejar, malaki ang maitutulong ng camera footage sa imbestigasyon, ngunit sa ngayon ay hindi siya nagbigay ng mga detalye..

”We already have a lead towards the solution of the incident but we cannot be divulge information yet as it may compromise the ongoing investigation,” iniulat kay Beltejar ni Sr. Supt. Allan Cuevillas, police regional deputy director for operations.

Narekober ng pulisya ang mga labi ng sumabog na 60mm and 81mm mortar sa dalawang magkahiwalay na lugar sa plaza.

Ang mga bomba ay pinasabog sa pamamagitan ng mga cellphone, ayon sa mga imbestigador.

Tatlo na lang sa mga nasugatan ang nasa ospital pa.

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pag-dakip sa mga nambomba sa Hilongos nang bisitahin niya ang bayan noong Disyembre 30. (Nestor L. Abrematea)