Patay ang isang mag-asawa matapos makulong sa loob ng kanilang kuwarto habang sugatan naman ang isa nilang anak sa pagkasunog ng kanilang bahay sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edwin Cordovilla, 52; at Ana Marie, 59, ng No. 2338 Onyx Street, Barangay La Paz ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ni Makati City Fire Department FO2 Roel Pacubat, dakong 2:24 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Cordovilla habang sila’y nahihimbing.

Nagawang makalabas ng bahay ng magkakapatid na sina Earl, 23; Edmar, 22; at Ethan, nasa hustong gulang, sa pagdaan sa bubungan.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Si Earl ay nagtamo ng first degree burn sa braso. (Bella Gamotea)