SEOUL (AP) — Sinimulan ng Constitutional Court ng South Korea ang pagdinig sa mga oral argument sa impeachment trial ni President Park Geun-hye, kaugnay sa corruption scandal na nagbunsod ng mga malawakang protesta sa lansangan nitong mga nakalipas na buwan.

Nakipagpalitan ng argumento ang mga abogado ni Park sa mga mambabatas kahapon kaugnay sa validity ng mga akusasyon na nakipagsabwatan siya sa kaibigang si Choi Soon-sil upang mangikil ng pera at makakuha ng pabor sa malalaking kumpanya at pinayagan ang kaibigang ito na ilegal na makialam sa mga gawain ng estado.

Nagpatuloy ang pagdinig sa kabila ng pagtanggi ni Park na tumestigo sa paglilitis. Hindi siya maaaring pilitin ng nine-justice court na humarap sa pagdinig.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela