angelina-at-brad-copy

PINUNA ni Angelina Jolie ang bagong court filing ng dating asawang si Brad Pitt, at sinabi na pilit nitong sinasarhan ang mga dokumento ng kanilang diborsiyo dahil ito ay “terrified the public will learn the truth.”

Humiling si Pitt, 53, sa hukom ng Los Angeles Superior Court na mapanatiling pribado ang lahat ng mga dokumento tungkol sa kanilang anim na anak, inakusahan niya si Jolie na ipinapahamak nito ang pribadong buhay ng kanilang mga anak sa paglalabas ng detalye sa media sa pamamagitan ng public court filings.

Ayon sa bagong dokumento, pumayag ang 41-anyos na aktres na masarhan ang mga papeles, ngunit itinanggi ang sinasabi ng aktor na isinasapubliko niya ang mga sensitibong impormasyon, ayon sa People magazine.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“There is little doubt that (Pitt) would prefer to keep the entire case private, particularly given the detailed investigations by the Federal Bureau of Investigation and the Dept of Children and Family Services into allegation of abuse,” ayon sa bagong mga dokumento ng korte.

Ngunit sinabi ng isang source na malinis na ang pangalan ni Pitt sa lahat ng mga imbestigasyon.

“It’s nice to see that she has finally come around to supporting the sealing of documents weeks after he requested this action.”

“Considering that both the FBI and child services thoroughly investigated this matter and cleared the father, this line of attack doesn’t make much sense,” saad ng source. (PNA)