Nakahanda si Senator Leila de Lima na harapin ang tatlong reklamo laban sa kanya sa Senate ethics committee, at umaasa siyang magiging patas ang mga myembro nito.

“I’m prepared to explain myself to my peers in that issue, and the other issues they might bring up, especially that some members of the Senate are having insinuations about me having not done enough as Secretary of Justice and worst, about my being complicit in the illegal drug trade,” ani De Lima.

Umaasa rin siya na hindi na sasali sa imbestigasyon ang mga miyembro ng komite na nauna nang nagsabing hindi siya magsasabi ng totoo.

Sinabi si De Lima masakit na mahusgahan agad ng kanyang mga kasamahan kahit hindi pa naririnig ang kanyang panig.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“That’s what hurtful: that your own peers are doubting you, or that there are some who believe the lies of others,” aniya.

Si Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang chairman ng ethics committee at sina Senador Panfilo Lacson, Grace Poe, Gregorio Honasan, Risa Hontiveros, Francis Escudero at Loren Legarda ang mga miyembro. (Leonel M. Abasola)