KABUUANG 29 atleta ang isasabak ng Team Philippines sa 2017 Sapporo Asian Winter Games sa Sapporo-Obihiro, Japan.

Ipinahayag ni Team Philippines chef de mission Tom Carrasco na ang naturang bilang ang kwalipikado sa torneo na nakatakda sa Pebrero 18-26.

May kabuuang 31 bansa ang sasalang sa torneo na may limang sports na paglalabanan at may nakatayang 64 events.

“It should be Pocholo Veguilas who heads the delegation, but he was given the recognition of being the Games’ Guest of Honor so walang makakagawa ng kanyang responsibilidad kaya nakiusap siya para tulungan,” ayon kay Carrasco.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda namang sumabak ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa men’s snowboard, ladies Short Track Speed Skating, men and ladies figure skating at men’s ice hockey.

“Ice hockey is included in the regular medal sport in the SEA Games, so is the figure skating and speed skating kaya maganda ang chance natin kung magiging maganda ang performance dito ng mga bata,” sabi ni Carrasco.

Matatandaang una nang lumahok ang Pilipinas sa Winter Olympics ng sumabak si Michael Martinez sa figure skating. (Angie Oredo)