PATULOY pang dumadami ang kalahok sa gaganaping 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby sa Enero 15–21 sa Newport Theatre of Performing Arts, Resorts World–Manila sa Pasay City.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nila Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang pitong araw na pandaigdigan labanan ng mga manok-panabong ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World – Manila at Warhawk.

Ilan sa mga banyagang sasabak ay sina Victor Manuel Negrete Castañeda ng Peru, Antonio Calvo Romero ng Spain, David Salvatierra Galvez ng Peru, Byrom Espinoza Aguirre ng Ecuador, Tu Guong ng Vietnam at mga Amerikanong sina Norland Blount, William Nall ng Kentucky, Howard Belk Jr., Norman Rockwell ng Tennessee at Carol Nesmith ng Alabama.

May garantisadong premyo na P15,000,000 na nakataya, ang entry fee ay P88,000 lamang, samantalang ang pinakamaliit na pusta ay P55,000. Ang bawat kalahok ay bibigyan ng libreng accommodation sa Remington Hotel katabi ng Resorts Word – Manila.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gagamitin ang 2-3-4 format, ang mga araw ng labanan ay ang mga sumusunod : Enero 15: 2-cock elims 1st set; Enero 16:

2-cock elims 2nd set, Enero 17: 3-cock semis 1st set, Enero 18: 3-cock semis 2nd set, Enero 19: 4-cock finals 1st set, Enero 20: 4-cock finals 2nd set at sa Enero 21: 4-cock grand finals (4.5 & 5 points).

Ang pagsusumite ng timbang ay isang araw bago ang araw ng laban, mula ika-2 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi, at ang timbang ay hindi dapat lalampas ng 1.900 – 2.500 kgs.

Para sa mga karagdagan impormasyon, makipag-ugnayan kina Ka Lando Luzong (0906-2026191) at Kate Villalon (0927-8419979).