KIDAPAWAN CITY – Labingdalawa sa 158 preso na pumuga sa North Cotabato District Jail sa lungsod na ito noong Martes ang nahuli na, iniulat ng pulisya kahapon.

Dalawa sa mga nahuli ay sugatan, ayon sa report ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO). Anim naman ang napatay ng mga awtoridad.

Nahuli sina Jason Angkanan, Joselito Tomines, Melvin Antipuesto Canete, Mohammad Mama, Roli Dinampo, Faisal Bansilan, and Ginda Angkil, Richel Vales Flores, and Joreste Robles Perdido, na may kasong drug trafficking; Wennie Curimo Rota (frustrated murder); Jerome Oguit (rape) at Faisal Tiboron (robbery).

Ang mga napatay ay sina Joey Aranas, Allan Jay Fabro Tolentino, Edfel Bautista Liscano, Rapacon Dimawan Ambolonto, Muhammad Mama, and Adonis Rey Ferraren Cedeno, pawang may kasong drug trafficking.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ang mga nasugatan, Peter John Ararao at John Meir Selgas, ay dinala sa Cotabato Provincial Hospital kasama ang sibilyan na si Sorelo Quino ng Sitio Puas Inda, Barangay Amas, na tinamaan ng ligaw na bala.

Sarado naman ang limang paaralan sa Kidapawan habang tinutugis ng mga pulis ang natitirang umeskapo.

Iniutos ng Mayor Joseph Evangelista ang pagsasara sa mga paaralan upang hindi malagay sa panganib ang mga mag-aaral at mga guro.

“We should ensure the safety of our pupils and teachers in the area while tensions and pursuit operations are underway. We will wait until they will declare these areas safe,” sabi ni Evangelista.

Isang grupo na pinamumunuan ni Kumander Derby ang sumalakay sa bilangguan at nagpakawala sa mga preso.

(MALU CADELINA MANAR at Fer Taboy)