WASHINGTON (Reuters) – Nakakuha ang mga intelligence agency ng US ng anila’y sapat na ebidensiya matapos ang halalan noong Nobyembre na magpapatunay na ang Russia ang nagbigay ng hacked material mula sa Democratic National Committee sa WikiLeaks sa pamamagitan ng third party, sinabi ng tatlong opisyal nitong Miyerkules.

Noon pa sinasabi ng mga opisyal ng US na pinamunuan ng Russian intelligence agencies ang hacking, ngunit wala pa silang sapat na ebidensiya na magpapatunay na kontrolado rin ng Russia ang paglabas ng mga impormasyon na nakasira sa kandidatura ni Hillary Clinton.

Ipipresinta ng US intelligence ang hacking report kay President Barack Obama sa Huwebes at kay President-elect Donald Trump sa Biyernes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina