CABANATUAN CITY — Nakatanggap ng ayuda ang mahigit sa 3,000 manggagawang bukid sa Nueva Ecija sa ilalim ng programang Food for Work ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Jose Gamay, Pangulo ng Liga ng Manggagawang Bukid, ang tulong ay bunga ng kanilang pakikipag-ugnayan kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Isiniwalat ni Gamay kay Taguiwalo ang iniindang kagutuman ng mga magbubukid na nawalan ng hanapbuhay simula nang magkaroon ng reaper at combined harvester sa mga sakahan.

Ipinahayag ni DSWD Undersecretary Hope Hervilla na pansamantala lamang ang tulong na naipagkaloob ng tanggapan sa mga manggagawa. Mas kailangan nila ang magkaroon ng sariling lupang masasaka at trabaho, ani Hervilla. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?