Nalagutan ng hininga ang isang barangay tanod matapos pagsasaksakin ng kanyang bilas, o asawa ng kanyang hipag, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Ospital ng Tondo si Restituto Bundalian, 41, barangay tanod at residente ng 1048 G. Solis Street sa Tondo habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Jefferson Denoso, nasa hustong gulang, asawa ng hipag ng biktima, at residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, nabatid na dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nauna rito, sa hindi pa batid na dahilan, ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lang umanong kumuha ng kutsilyo ang suspek at kaagad sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang kilikili. (MARY ANN SANTIAGO)