Enero 5, 1592 nang isilang ni Rajput Princess Jagat Gosaini ng Marwar (ngayon ay Taj Bibi Bilquis Makani), asawa ni Emperor Jahangir (kilala rin bilang Salim) si Shah Jahan, tinagurian bilang ikalimang Mogul emperor ng India, sa Shihāb al-Dīn Mu ammad Khurram sa Lahore, Mughal Empire (ngayon ay kilala bilang Pakistan). Siya ay tinawag na “Khurram.”

Si Shah Jahan ay ipinroklama bilang emperador ng Agra noong Pebrero 4, 1628, at nanungkulan sa loob ng 30 taon hanggang Hulyo 31, 1658. Sa panahon ng pag-upo niya sa trono, nakamit ng Mogul Empire ang tugatog ng kasagaanan at kayamanan. Kinonsidera ring golden age of Mughal architecture ang period na ito kung saan naipatayo ang maraming monumento kabilang ang pinakapopular na Taj Mahal na itinayo noong 1632–1654 bilang libingan ng kanyang asawa na si Mumtaz Mahal.

Namatay si Shah Jahan noong Enero 22, 1666 sa Agra, India sa edad na 74 dahil sa sakit.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis