Pagsasabatas isinusulong saKongreso.
HINDI magiging ‘white elephant’ ang Philippine Sports Institute (PSI).
Tunay na magiging institusyon ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos isulong ng Kongresista mula sa Mindanao ang pagsasabatas ng PSI sa Mababang Kapulungan.
“It was Lanao Governor Khalid Dimaporo and Lanao Del Norte 2nd Representative Aliyah Dimaporo who proposed that the PSI be turn into a law so that it will stay on even if there will be changes in the administration and of the appointed leaders in the PSC,” pahayag ni PSC Executive Director Atty. Carlo Abarquez kahapon sa media conference.
“Nakakatuwa dahil almost all of our lawmakers, the League of Governors, Mayors as well as in the Senate, DILG, DepEd and CHED wanted the PSI become an institution. Mabuti na maging isang batas ang pagtayo ng PSI para masiguro na kahit wala na present administration patuloy ang programa sa talent identification, ang sports science at ang proseso para sa pagdidiskubre ng mga bagong talent, gayundin ang pagtuturo ng mga bagong kaalaman sa mga coach at sports administrator,” sambit naman ni PSI National Training Director Marc Velasco.
Nakatakdang ilunsad ang PSI sa Enero 16 at ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, nagpahiwatig ang Pangulong Duterte na dadalo sa pagdiriwang.
Una nang ipinaliwanag ni Ramirez na ang PSI ay base sa pagnanais ng administrasyon ni Duterte na paigtingin at palakasin ang sports development sa grassroot level, gayundin ang pag-angat ng kundisyon ng sports sa bansa sa elite level.
“The athletes and coaches will have a better idea what PSI is going to offer to them in the inauguration, and what the PSI will bring to the table. As for the other stakeholders, it will show how the PSI will be the main driving force of PSC in grassroots and elite athletes,” pahayag ni Ramirez.
Itinakda naman ang kabuuang P25-milyon pondo kada taon para sustinihan ang proyekto na magsasagawa ng consultation, training at seminar sa iba’t ibang lalawigan, gayundin sa pagbili ng mga makabagong kagamitan para sa pagsusuri sa mga atleta, pati na rin sa strength and conditioning at maging sa nutrisyon.
Nakasaad sa Grassroots Sports Development Program (GSP) na nakatuon sa apat na yugto ng talent identification: (1) training of pool of researchers, (2) testing phase, (3) talent selection at ang pagpasok sa mapipiling atleta sa SMART KIDS program. (Angie Oredo)