nora-copy

PAGKATAPOS ng Gabi ng Parangal ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), usap-usapan ng matataray na katoto na sampal daw kay Nora Aunor ang pagkapanalo ni Irma Adlawan bilang Best Actress.

Ang Superstar kasi supposedly ang bida sa Oro. Pero sa kung anumang kadahilanan, tinanggal si Ate Guy at pinalitan nga ni Irma.

Masakit daw iyon para kay Nora dahil bukod sa Best Actress ay napanalunan din ng Oro ang Best Ensemble Cast at FPJ Memorial Award For Excellence bagamat binawi na nga ito ng MMFF at ng pamilya ni Fernando Poe, Jr.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Naging kontrobersiyal ang lumutang na reklamo laban sa pagkatay ng aso sa Oro. Kaya ang ending, after mapakinggan ang panig ng producer at direktor ng pelikula, binawi ang FPJ Memorial Award.

Kaya sa halip daw na malungkot sa pagkatalo ni Nora ay nagbubunyi pa ngayon ang Noranians. Tumawag pa sa amin ang isang kaibigang loyal supporter ni Ate Guy at binanggit na at least daw ay hindi nadamay si Nora sa naging ‘karma’ ng naturang pelikula.

Binanggit din sa amin na may nagbalita pa nga raw sa kanya na nagpadala raw ng text message si Nora sa producer ng Oro.

“Hahahaha. Nakalimutan n’yo na may 2 kopya ako ng script ng pelikulang Oro at nasa script ’yung ginawa n’yong pagpatay sa aso,” banggit pa raw ni La Aunor.

Sa naturang source din namin nalaman na si John Rendez daw dapat ang papatay sa aso pero sa kung anumang dahilan ng producer ay pinalitan din itong bigla.

Kaya ganoon na lang daw ang pasasalamant ni Nora dahil nakaiwas sila sa anumang kapahamakan.

“Marunong talaga ang Diyos at inalis niya tayo sa kapahamakan,” banggit pa raw ni Nora sa harapan ng ilang taong malalapit sa kanya.

Pero ang obserbasyon ng kausap namin, mukhang hindi pa rin nakakapag-move on ang aktres sa pagkakatanggal sa pelikula at pagpalit nga sa kanya ni Irma Adlawan. Tinalo ng huli si Ate Guy na ang ipinanlaban naman ay ang acting sa Kabisera. (JIMI ESCALA)