BRISBANE, Australia (AP) — Kulang sa tulog, ngunit hindi kinapos sa lakas si Rafael Nadal.

Sa kanyang pagbabalik-aksiyon mula sa mahabang pahinga bunsod ng injury sa kaliwang kamay, binuno ng 14-time major champion ang mahabang biyahe mula sa isang exhibition game sa Abu Dhabi patungong Australia para sa impresibong opening round win kontra Alexandr Dolgopolov ng Ukraine, 6-3, 6-3, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Brisbane International.

Iginiit ng 30-anyos Spaniard na determinado siyang maibalik ang porma para magkaroon ng tsansa na magwagi sa season-opening Grand Slam event sa Melbourne.

"A little bit of jet lag. It's tough, these kinds of things at the beginning," sambit ni Nadal. "There wasn't a lot of time to adapt."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa post-match news conference, humingi ng paumanhin si Nadal sa madalas niyang paghikab at iginiit na babawi sa mga susunod na laban.

Nakalinya si Mischa Zverev kay Nadal sa second round matapos magwagi kay teenage Australian qualifier Alex De Minaur, 6-3, 6-3. Sa takbo ng draw, malaki ang tsansa na magkaharap sina Nadal at defending champion at top seed Milos Raonic sa quarterfinal.

Umusad din si sixth-seeded Lucas Pouille kontra Gilles Simon, 7-6 (6), 7-6 (4), habang nagwagi si Viktor Troicki kay Japanese qualifier Yoshihito Nishioka 6-4, 7-5 at namayani si iego Schwartzman kay Sam Querrey, 6-2, 6-4.