Sa harap mismo ng kanyang live-in partner binaril at pinatay ang isang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Dead on the spot si Antonio Perez, alyas “On-on”, 33, ng Canoy Street, Barangay 132, Zone 13 ng nasabing lungsod, sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at likod.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na pawang nakatakip ang mukha.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovanni Arcinue ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, dakong 10:30 ng gabi nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima.

ICC, tinanggihan apela ng kampo ni FPRRD na baligtarin ang desisyon kaugnay sa 'fit to stand trial'

Sa pahayag sa awtoridad ni Ma. Luz Aguilar, kinakasama ng biktima, nasa loob sila ng bahay nang biglang pumasok ang mga armadong suspek at malapitang pinagbabaril si Perez.

Aminado si Aguilar na may mga reklamo sa kanilang barangay laban sa kanyang mister dahil sa umano’y pineperahan nito ang kanyang mga customer.

Gumagamit din umano ng ilegal na droga ang biktima.

Narekober ng mga pulis ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 baril at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

(Bella Gamotea)