BONGABON, Nueva Ecija — Imbes na mangupahan at magkagastos ng malaki, puwede nang humiram ng traktora mula sa munisipyo ang mga nagtatanim ng palay at sibuyas simula ngayong taon.
Ayon kay Bongabon Mayor Ricardo Padilla, ilan sa mga nasasakupan niya ay nagbabayad ng P3,000 hangang P4,000 bilang upa sa traktor para sa pagpupunla ng kanilang pananim.
Sinabi ni Padilla na tanging krudo ng sasakyan lamang ang aalalahanin sa paggamit ng nasabing makinarya.
Target ng pamahaalang lokal na madagdagan pa ang traktora mas maraming magsasaka ang makikinabang.
Ito ay magpapalakas din sa produksyon sa palay at sibuyas upang mapanatiling “Onion Capital” ng bansa ang Bongabon.
(Light A. Nolasco)