MAGIGING host ang Pilipinas sa 4th World Apostolic Congress on Mercy (WACOM 4) na magaganap simula Enero 16 hanggang 20.

Inihayag ni Fr. Prospero Tenorio, Chief Executive Officer ng WACOM 4, na napili ang bansa ng komite ng WACOM para maging host country ngayong taon.

“Sila ang pumili (sa Pilipinas). Meron kasi committee pumipili kung saan gagawin ang WACOM,” aniya.

“Nakita kasi nila na organisado ang Pilipinas na ‘yung connection with the Divine Mercy promotion. Meron tayo tinatawag dito sa ating bansa ‘BOSOM,’ na ang ibig sabihin ay Basic Orientation Seminar on Mercy that’s why in the National Shrine every month meron tayo ginagawa Bosom. Upang ang mga tao ay matulungan sa pagpapahalaga, pag-unawa sa awa ng Diyos,” dagdag niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaasahang mahigit sa 3,000 ang dadalo sa limang araw na event mula Pilipinas at sa iba’t iba pang bansa.

“More or less ang ating local ay 2,888 plus 722 and international kaya more or less we have 3,610,” saad ni Fr. Tenorio.

Ang mga lugar na magsisilbing host sa mga isasagawang aktibidad ay ang Manila, Batangas, Bulacan, at Bataan.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Tenorio na magpapadala si Pope Francis ng kinatawan upang ihatid ang kanyang mensahe.

“Meron siyang legate in the person of Philippe Cardinal Barbarin from France, siya ang magdeliver ng message,” ani Fr. Tenorio.

Ang mga bansa na nag-host sa nakaraang tatlong WACOM ay ang Rome, Poland, at Colombia.

Ang WACOM, na isinasagawa tuwing ikatlong taon, ay pang-internasyonal na pagtitipun-tipon ng mga deboto ng Divine Mercy at mga promoter tulad ng Obispo, mga pari, religious brother at sisters at mga karaniwang tao. (PNA)