040117_ecowaste05_vicoy-copy

Kasabay nang paghahanda ng lokal na pamahalaan, simbahan at mga pulis sa Traslacion 2017, hinamon ng isang waste and pollution watch group ang mga deboto ng Poong Nazareno na gawing pinakamalinis at pinakaligtas ang pagdiriwang ng naturang okasyon ngayong taon.

Ayon sa EcoWaste Coalition, mas maipapakita ng mga deboto ang kanilang debosyon sa Poong Nazareno sa pagmamalasakit sa kalikasan.

Ayon kay Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner, sa mga nakalipas na traslacion ay tone-toneladang basura ang iniiwan ng mga deboto sa Quirino Grandstand at sa pitong kilometrong ruta ng prusisyon.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“We call upon the devoted sons and daughters of the Nazarene to conduct the re-enactment of the Traslacion from Luneta to Quiapo next Monday in a trash-less way,” panawagan ni Tolentino.

“We request the tens of thousands of devotees who will take part in the grand procession not to leave a trail of garbage as they profess their faith or fulfill their sacred vows,” pakiusap pa niya. (Mary Ann Santiago)