WASHINGTON (AFP) – Dadalo ang natalong presidential candidate na si Hillary Clinton sa inagurasyon ni Donald Trump sa Enero 20, gayundin si dating president George W. Bush.
Sa kabuuan, tatlong dating pangulo ang sasaksi sa makasaysayang seremonya sa US Capitol sa Washington na maghuhudyat ng pagsisimula ng termino ni Trump bilang 45th commander in chief ng Amerika: sina Bush, Jimmy Carter at Bill Clinton.
Inanunsyo ng mga Clinton ang kanilang desisyon na dumalo sa inagurasyon kasunod ng paghahayag ng opisina ni George W. Bush na dadalo siya kasama si dating lady Laura Bush.
“They are pleased to be able to witness the peaceful transfer of power and swearing-in of President Trump and Vice President Pence,” sabi ng tagapagsalita ni Bush noong Martes.
Tradisyon na sa mga dating pangulo ng US at kanilang asawa na dumalo sa inagurasyon ng bagong pangulo.
Nauna nang nagkumpirma ang Democrat na si Carter, 92, noong Disyembre na dadalo siya sa inagurasyon ng Republican na si Trump.
Si George H.W. Bush, na mahina na ang kalusugan sa edad na 92, ang natatanging ex-president na hindi dadalo sa okasyon.