WISH 107.5 ang magpapasimula sa 2017 awarding season.

Gaganapin ang pangalawang Wish 107.5 Music Awards (WMA), “Your Wishclusive Gateway to the World” sa Enero 16, Lunes sa Smart Araneta Coliseum bilang pagdiriwang sa world-class na musicality ng mga Pilipino.

Ang okasyon ay isang paraan din ng pagpapasalamat ng Wish 107.5 sa music artists na siyang naging tunay na mga bayani sa likod ng pagsikat ng bagong FM station bilang paboritong puntahan ng homegrown performers.

Naging phenomenal ang pagsikat ng Wish 107.5 sa digital platforms. Ang YouTube channel ito ay mayroon nang 240 million views at 650,000 subscribers, at kinikilala internationally dahil sa napakalawak nitong WIShclusive performances na nagtatampok sa kahusayan ng iba’t ibang OPM acts.

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista

Ang official list ng mga nominado ay maaaring dalawin sa website ng event sa www.wish1075.com/wisha wards at sa social media accounts ng Wish 107.5.

Sa pangalawang taon ng WMA, ang mga nominado ay maglalaban-laban sa mga sumusunod na kategorya: Wish Promising Artist, Best Wish Cover, Best WISHclusive Performance by a Young Artist, Best WISHclusive Performance by a Group or a Duo, Best WISHclusive Performance by a Female Artist, Best WISHclusive Performance by a Male Artist, Best WISHclusive Collaboration, Wish Original Song of the Year by a Group or a Duo, Wish Original Song of the Year by a Female Artist, Wish Original Song of the Year by a Male Artist, Wish Young Artist of the Year, Wish Female Artist of the Year at Wish Male Artist of the Year.

Ang highest citations ay igagawad sa pinakaunang members ng WISHclusive Elite Circle na siyang pinaka-highlight ng awarding ceremony. Ang sirkulo ay bubuuin ng music acts na ang WISHclusive videos ay umami ng 10 million YouTube views. Ang artists na nag-upload ng performances sa Wish 107.5 YouTube channel ay eligible na sumali sa exclusive group.

Ang isa pang special social media recognition ay ang WISHclusive Viral Video of the Year, na igagawad sa WISHclusive performance na naging phenomenal sa lahat ng iba pang nominated videos sa 2nd WMA.

Ang nominees ay pinili ng WMA screening committee mula sa hanay ng artists na nag-release ng awitin at nagkaroon ng WISHclusive performances simula November 1, 2015 hanggang October 31, 2016, pagkatapos ng isang buwang serye ng deliberation.

Ang online votes ay ibibilang na 50 porsiyento ng total score ng nominado, at ang kabiyak pang 50 porsiyento ay manggagaling naman sa mga boto ng piniling panel of judges. Nagsimula ang polling period para sa pangalawang WMA noong Disyembre 16 at matatapos sa Enero 16, 2017, alas-12 ng tanghali.

Ang unang Wish 107.5 Music Awards ay ginanap noong Enero 26, 2016. Bukod sa awards, ang istasyon ay magbibigay din ng cash prizes sa piniling beneficiaries ng winner sa mga pangunahing kategorya.