Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DoJ) na i-deport na pabalik sa China ang mga Chinese illegal worker na naaresto sa Fontana Leisure Park sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, maging ang pinayagang magpiyansa sa naarestong 1,000 Chinese illegal worker ay kailangan na ring maipa-deport sa lalong madaling panahon.

Sa oras na maipatapon palabas ng bansa ay iba-blacklist na ang mga ito at hindi na makababalik sa Pilipinas.

Samantala, papayagang makabalik sa bansa ang Chinese gambling operator na si Jack Lam pero kailangan nitong harapin ang mga isasampang kasong kriminal at dapat ding magbayad ng mga buwis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Disyembre ay ipinaaresto ng gobyerno si Lam dahil sa bribery at economic sabotage pero bago pa man ito masampahan ng kaso ay lumipad na siya pabalik sa Hong Kong noong Nobyembre 29, batay sa record ng Bureau of Immigration.

Binigyan-diin ni Aguirre na kailangan ding kumuha ni Lam ng online gambling license.

Sasamsamin din ng gobyerno ang mga ari-arian ni Lam sa Fontana at Fort Ilocandia kapag nabigo siyang ayusin ang kanyang mga obligasyon sa buwis. (Beth Camia)