New Zealand ASB Classic Tennis

AUCKLAND, New Zealand (AP) — Walang pagbabago sa istilo at character si Serena Williams ngayong 2017. At sa paraan ng paglalaro, wala pa ring kupas ang Olympic champion.

Naantala man ang laro bunsod ng pagulan, tumuloy sa susunod na round ang world No.1 nang pabagsakin si Pauline Parmentier, 6-3, 6-4, sa first round ng ASB Classic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Apektado rin ang service game ni Williams bunsod nang malakas na hangin, subalit naisalba niya ang laro sa loob ng 74 minuto tampok ang walong ace.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"This wind was getting to me," sambit ni Williams.

"It's like every day I've practiced here there's been no wind and today I play and it's real windy, so it was fun. It wasn't fun, actually, it was interesting."

Malamya ang simula ni Williams, sablay sa kanyang service play sa kaagahan ng laro, bago sumalakay si Parmentier para makadikit nang bahagya. Ngunit, nanaig ang determinasyon ni Williams tungo sa panalo, tampok ang sumasagitsit na crosscourt forehand.

Dalawang laro lamang sa main draw ang natapos bunsod nang patuloy na pagbuhos ng ulan. Sa pagbabalik ng aksiyon sa Martes (Miyerkules sa Manila), masusubok si Venus Williams kontra wildcard Jade Lewis, habang makakaharap ni dating No. 1-ranked Caroline Wozniacki si Nicole Gibbs.