PUMANAW nitong nakaraang Sabado sa edad na 84 ang aktor na si William Christopher, na pinakakilala sa kanyang pagganap bilang Father John Mulcahy sa M*A*S*H.

Ayon sa kanyang anak na si John Christopher, pumanaw ang aktor dahil sa non-small cell lung cancer.

Inihayag ng agent ni Christopher na pumanaw ang aktor sa kanyang tahanan sa Pasadena, California, kung saan sumailalim siya sa hospice care. Nagsimula ang kanyang cancer halos isang taon at kalahati na ang nakararaan. At nitong mga nakaraang bawan, lumubha na ang kanyang karamdaman.

Gumanap ang aktor bilang Father John Mulcahy sa M*A*S*H simula 1972 hanggang 1983 at lumabas din sa Hogan’s Heroes, Gomer Pyle, U.S.M.C at Murder She Wrote. (ET Online)
Relasyon at Hiwalayan

John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!