Timbuwang ang suspek sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Patay sa engkuwentro si Harold Moises ng Kabihasnan Street, Barangay Batasan Hills, dakong 4:00 ng hapon.

Si Moises, ayon sa mga pulis, ay maaaring responsable sa ligaw na balang tumama sa 17-anyos na si Leo Mark Aquino habang nanonood ng fireworks display sa Pook Pag-asa nitong Enero 1.

Matapos ang insidente, inaresto ng awtoridad si Jaime Pabua, 49, umano’y Military Intelligence Group civilian agent, bilang pangunahing suspek sa insidente. Isinuko niya ang caliber .45 pistol.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, habang isinasagawa umano ang imbestigasyon , nakatanggap ng tip ang QCPD Station 6 nitong Lunes na nasilayan si Moises na naglalakad sa kahabaan ng Katangian St. sa nasabing barangay at may nakitang baril sa kanyang beywang.

Inaresto nila si Moises sa Kabisig St., malapit sa Katangian St., nang bunutin ng suspek ang baril at pinaputukan ang awtoridad.

Dito na umano nagdesisyon ang mga pulis na papuukan si Moises na namatay habang isinusugod sa East Avenue Medical Center. (Vanne Elaine P. Terrazola)