tom-at-lovi_please-crop-copy

FINALE na sa Friday ng Someone To Watch Over Me na dinidirehe ni Maryo J. delos Reyes at pinagbibidahan nina Lovi Poe at Tom Rodriguez. Journey ito ng young husband and wife na sina Joanna (Lovi) at TJ (Tom) na after magkaroon ng anak, si Joshua, nagsimulang magbago ang kilos at pag-iisip ni TJ. Naging makakalimutin ang dating matalinong executive at mabilis mag-init ang ulo. Sa isang general check-up, lumitaw na may early onstage ng Alzheirmer’s disease si TJ.

Hindi iniwanan ni Joanna ang asawa, inalagaan niya ito, na may kasamang sakripisyo. Labis ang pagmamahal niya kay TJ, kahit ang natatandaan na lamang nito ay ang dating girlfriend na si Irene (Max Collins). Dumating sa punto na pumayag siyang patuluyin sa bahay nila si Irene, para lamang hindi mawala sa kanyang paningin si TJ at maalagaan pa rin niya dahil nagkunwari siyang caregiver.

Ipinaglaban ni Joanna ang kanyang desisyon, kahit kontra na ang kanyang ina (Isay Alvarez) at ang best friend niya.

ALAMIN: Magkano ang mawawala kada araw sakaling matuloy ang ‘no remittance week?’

Tinanggap naman ito ng ama ni TJ, si Buddy (Edu Manzano) dahil naaawa siya sa anak at kay Joanna,

Idinagdag sa cast si Cogie Domingo sa papel ni Ian, ang kaibigan ni TJ na kapag maayos ang pag-iisip ay gusto si Ian ang pumalit sa kanya. Pero hindi iyon tinanggap ni Joanna, matatag ang desisyon niyang alagaan pa rin si TJ.

Hindi rin ito tanggap ni Ian dahil alam niya ang pinagdadaanan ni Joanna. Alam niya ang nararamdaman ng isang nag-aalaga ng asawang may sakit. Dahil siya man ay dinaramdam pa rin ang pagpanaw ng asawang may cancer.

To lighten the story bago ito magwakas, bumalik sa pagkabata ang pag-iisip ni TJ, nakalimutan na niya si Irene, naging bata siya at tinawag na ‘mama’ si Joanna. Dahil bata na nga siya, naalaala pa niya ang pag-iwan ng amang si Buddy sa kanila ng mommy niya, pero sa maayos na pakiusap ni Joanna, nagkabati na rin ang mag-ama.

Pero ngayon, sa dalawang gabing episodes na natitira, mabilis na ang paglubha ng kalagayan ni TJ at wala nang magagawa kundi ipasok siya sa sa isang nursing home na alam kung paano aalagaan ang mga may sakit na tulad niya.

Iiyakan pang lalo ng televiewers si TJ, pero kasama na rin ang sigh of relief at hindi na ipakikita kung ano pa ang pinagdaanan niya. Maiiwan na lamang aabangan kung ano ang magiging desisyon ni Joanna, ng kanyang pamilya, ni Ian, at ng pamilya ni TJ.

Napapanood ang Someone To Watch Over Me pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (Nora Calderon)