Ipinatitigil ng Food and Drug Administration (FDA) ang promosyon at pagbebenta ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Nabatid na nag-isyu ang FDA ng “summons with cease and desist order” laban sa pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur Inc. dahil sa pagsasahimpapawid nito ng television at radio advertisements para sa Dengvaxia, dahil paglabag ito sa administrative order ng FDA na nagbabawal sa hindi awtorisadong promosyon ng isang produktong medikal.

Batay sa summons na inisyu noong Disyembre 13, inatasan ng FDA ang Sanofi na itigil ang diseminasyon o pagpapakalat ng advertisement para sa Dengvaxia, sa mass o social media.

Inatasan din ang Sanofi na itigil ang anumang aktibidad ng promosyon at pagbebenta ng bakuna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinadalhan na rin ng FDA ng liham ang mga television at radio station na itigil ang patalastas hinggil sa dengue vaccine, matapos mabigo ang Sanofi na tumalima sa kanilang direktiba hanggang noong Disyembre 15.

“Since Sanofi has not complied, we have issued summons directing them to cease and desist from airing the advertisements and Show Cause why they should not be penalized for violating the law,” ayon kay FDA Director General Nela Charade G. Puno. Tiniyak ng FDA na patuloy na babantayan ang Sanofi kung sumusunod ito sa kautusan.

“We are looking forward to their cooperation in our mandate to ensure that the public is provided only with the correct information on the food, drugs, cosmetics, and health devices that they use,” aniya pa. (Mary Ann Santiago)