SAN ANTONIO (AP) – Pinagbuntunan ng ngitngit ng Spurs, sa pangunguna ni Kawhi Leonard na kumubra ng 25 puntos, ang Toronto Raptors sa itinarak na 110-82 panalo nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw din sina LaMarcus Aldridge na kumana ng 23 puntos at Tony Parker na tumipa ng 15 puntos at walong assist para makabalik sa winning track at kunin ang ika-28 panalo sa 35 laro.

Nanguna sa Raptors si DeMar DeRozan sa naiskor na 26 puntos, habang nagsalansan si Terrence Ross ng 17 puntos.

Nalimitahan si All-Star Kyle Lowry sa anim na puntos mula sa malamyang 2-of-9 shooting.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

CELTICS 115, JAZZ 104

Sa Boston, naungusan ng Celtics ang Utah Jazz.

Ratsada si Isaiah Thomas sa natipang 29 puntos at career-high 15 assist para sa 21-14 marka ng Boston.

Nag-ambag sina Al Horford at Jae Crowder ng tig-21 puntos para sa ikasiyam na panalo sa 15 laro sa home court ng Celtics.

Nanguna si Gordon Hayward sa Jazz sa natipang 23 puntos.