MAAGA pa lang kahapon ay puno na ang parking area ng St. John The Baptist Church sa Pinaglabanan, San Juan City ng fans na umapaw hanggang sa labas ng simbahan. Isang Holy Mass kasi ang inihandog ng supporters ni Alden Richards para sa kanyang 25th birthday. 

Kuwento ng ilang members ng RJ’s Maine, maaga ring dumating si Alden sa simbahan, nagpalipad ng balloons at pagkatapos ay nag-blow ng candles ng cakes na bigay ng iba’t ibang fans clubs.

Sinabihan daw ang supporters na after ng blowing of candles, huwag nang pagkaguluhan si Alden para maging maayos ang lahat, pero walang nakinig, dahil pagkatapos ay pinagkaguluhan pa rin siya kaya napilitang ibalik siya sa sasakyan.

Hindi na rin nakadalo sa Holy Mass si Alden dahil oras na para sa schedule niyang pagpunta sa Broadway studio upang mag-rehearse ng production numbers nila ni Maine Mendoza para naman sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag na kuwento ng RJ’s Maine, tila nag-research ang paring nagmisa tungkol kay Alden. Sinabi ni Father na sulit si Lord sa pagbibigay ng blessings sa binata dahil pinagyayaman nito ang mga ibinigay Niya. Masunuring anak din daw si Alden dahil sinunod ang gusto ng mommy niya. Na sa halip na sundin ang pansariling pangarap na maging piloto, sumunod siya sa gusto ng nanay niya na maging artista, kaya narating niya ang kanyang estado ngayon.

Samantala, pagdating ng Broadway studio ay nag-rehearse muna sina Alden at Maine ng dalawang dance numbers. At bago nag-perform, umalis muna ang Pambansang Bae dahil siya ang naatasang maging Santa Claus ng mga nabunot niyang pangalan ng studio audience para sa kanilang #GiveLoveOnChristmasDay. Sa halip na iyong usual na dalawang winners, apat ang binunot ni Alden bilang sharing niya sa blessings na tinanggap niya noong 2016.

Present din ang kanyang amang si Richard Faulkerson Sr., na biro ni Tito Sen na, “kamukha ni Alden.” Inulan ng wishes mula sa Dabarkads si Alden at ang huling nag-wish ay si Maine, na ipinaalaalang lagi lamang siyang nasa tabi nito kung kailangan niya ito at pabirong nagalit na nagsabing, “matuto ka namang magpahinga, hindi iyong parang 40 years old ka na kung magtrabaho, mga bata pa tayo, marami pa tayong pagsasamahan. Basta huwag kang magbabago at tatandaan mo ang mga ibinibilin ko sa ‘yo. Happy birthday, Alden!”

Sinundan ito ng kiss sa katuwaan ng Dabarkads at ng audience na binubuo ng mga AlDub Nation.

Bago natapos ang noontime show, in-announce na nina Alden at Maine na sisimulan na nila this week ang taping ng Destined To Be Yours, ang first teleserye nila sa GMA-7. Sana raw kung paano tinangkilik ng AlDub Nation ang first movie nilang Imagine You & Me, ganoon din ang magiging pagtangkilik ng kanilang supporters sa una nilang soap.

(NORA CALDERON)