CAMILING, Tarlac — Labis na dinamdam ng isang 29-anyos na lalaki ang pagbabawal sa kanya ng kanyang ka-live-in na uminom ng alak kaya nagpasya siyang magbigti sa Sitio Surgui, Barangay Bobon 1st, Camiling kamakalawa.
Nagpatiwakal si Rolando Esguerra matapos sitahin ng kinakasamang si Gigi, 26, sa madalas na pag-inom ng alak.
Kagagaling lang ni Esguerra sa pakikipag-inuman sa isang nagngangalang Sammy Agustin.
Makalipas ang ilang oras ay nagtungo si Rolando sa gilid ng sapa nitong Sitio Surgui hanggang magbigti sa ilalim ng punong kawayan. (Leandro Alborote)