Tiyak na magsisilbing aral sa mga mahilig magmotorsiklo ang sinapit ng dalawang lalaki na namatay matapos sumemplang nang makipagkarerahan sa kapwa nila rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO2 Israel Aguinaldo ng Malabon Traffic Enforcement Unit, dead on the spot sina Edwin Cabanesas at Anthony Alcober, kapwa residente ng No. 97-F. Yanga Street, Barangay Maysilo ng nasabing lungsod, sanhi ng pagkakabagok sa semento.

“Wala silang suot na helmet at grabe talaga ang pinsala nila sa ulo kasi halos mabiyak at lumabas ang mga utak sa sobrang lakas ng pagkakabagok,” ani Aguinaldo.

Base sa report, bandang 11:45 ng gabi, pauwi na ang mga biktima, magkaangkas sa motorsiklo, matapos dumalo sa pista sa Bgy. Dampalit.

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla

Binabaybay nila ang kahabaan ng M. H. Del Pilar nang mag-overtake sa kanila ang isang lalaki na sakay din sa motorsiklo.

Hinabol ni Cabanesas ang lalaki, pero pagdating sa kanto ng Villardo St., Bgy. Tenejeros, nawalan ng kontrol ang kanyang manibela hanggang sa sumemplang sila ni Alcober.

“Payo lang sa mga rider, iwasan po ninyo ang magnaneho nang nakainom at huwag magpatakbo nang matulin. Sa motorsiklo kasi kahit ikaw ang banggain lugi ka kasi kundi sa ospital sa sementeryo ang bagsak,” pagtatapos ni Aguinaldo.

(Orly L. Barcala)