Magiging matindi ang bakbakan at pagtatalo sa plenaryo ng Kamara ngayong taon matapos ipasa ng House Committee on Justice ang substitute bill na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pinagtibay sa botohang 12-6, ang panukala na nagpapatibay ng parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen o heinous crimes, gaya ng rape, kidnapping at serious illegal detention, destructive arson, plunder, at paggawa, importasyon at pag-iingat ng mga bawal na gamot.

Ang substitute bill ay pinagsama-samang House Bills 1, 16, 513, 3237, 3239, 3240, at 3418, sa layuning ibalik ang parusang kamatayan.

Una itong ini-refer sa House Sub-Committee on Judicial Reforms ni Rep. Vicente Veloso (3rdDistrict, Leyte), na nagsagawa ng mga pagdinig tungkol sa mga panukala na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya, stakeholders, at civil society organizations na nagbiya ng kani-kanilang posisyon tungkol sa death penalty.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa inimbitahan ng subcommittee ay mga opisyal at kinatawan ng Department of Justice (DoJ), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP), Commission on Human Rights (CHR), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), Citizens Crime Watch (CCW), Free Legal Assistance Group (FLAG), iDEFEND, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Coalition Against Death Penalty, Amnesty International, Philippine Human Rights Information Center (PhilRights), Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc. (PJPSFI), at Christian Bishops and Ministers Association of the Philippines (CBMAP). (Bert de Guzman)