joshua-copy-copy-copy

ITINUTURING ni Joshua Garcia na napakalaking regalo ang naging tagumpay sa takilya ng kanyang pelikula na Vince & Kath & James.

Isa ito sa highest grosser sa Metro Manila Film Festival at showing pa rin sa mga sinehan.

“Wish ko maging successful pa ang Vince & Kath & James dahil ito ‘yung first lead role ko. Magiging masaya ako kung magiging successful pa ito at sana magtuluy-tuloy lang po hanggang dulo. And masaya din po ako para sa mga kasama namin sa MMFF,” sabi ni Joshua.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Hindi pa rin makapaniwala ang binatilyong aktor sa mga papuri na kanyang natatanggap sa pagganap niya bilang Vince, lalo na at ikinukumpara pa siya kay John Lloyd Cruz.

“Overwhelmed po, sana magtuluy-tuloy lang at sana tumagal po ako sa showbiz. Pressure siya kasi baka hindi mo ma-meet ‘yung expectations ng tao, pero sa ngayon maging masaya na lang siyempre na ganu’n ang itinatawag sa ‘kin ng tao,” sabi ng young actor.

Of course, sa kanyang pamilya siya humuhugot ng lakas.

“Sobrang saya nila. Nagpa-block screening pa nga sila, eh. Masaya naman sila sa kinalabasan. Naiyak din sila para sa akin,” sey pa ni Joshua.

Positibo naman siya na mas maganda ang itatakbo ng kanyang career ngayong 2017.

“Abangan po kasi po marami pong mga magaganap ngayong 2017, mas malaki pa sana para sa akin,” sabi pa ng bagong paborito ngayon ng mga bagets na moviegoers. (ADOR SALUTA)