Enero 4, 1999 nang maging opisyal na pera ang euro sa 11 miyembro ng European Union (EU) member-nations — Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, the Netherlands, Portugal, at Spain.
Dinisenyohan ng architectural images, simbolo ng European unity at member-state motifs, ang euro cash ay nagsimula sa sirkulasyon noong Enero 1, 2002.
Pinalitan nito ang Austrian schilling, Belgian franc, Finnish markka, French franc, German mark, Italian lira, Irish punt, Luxembourg franc, Netherlands guilder, Portugal escudo at Spanish peseta. Habang ang Non-EU nations, kabilang na ang Vatican City at Monaco, at iba pang teritoryo ang tumangkilik sa euro.
Itinatag ng 1992 Maastricht Treaty sa European Union, ang euro ay binubuo ng walong barya at pitong perang papel. Ang Frankfurt-based European Central Bank (ECB) ang namamahala sa euro at nagtatalaga ng interest rate at iba pang monetary policy.