NAGSALITA na si Billie Lourd tungkol sa pagpanaw ng kanyang inang si Carrie Fisher at lolang si Debbie Reynolds.
Idinaan ng aktres, 24, sa Instagram nitong nakaraang Lunes ang kanyang pasasalamat sa suporta ng fans at sa kanilang mga panalangin na aniya ay nagbibigay sa kanya ng lakas.
“Receiving all of your prayers and kind words over the past week has given me strength during a time I thought strength could not exist,” saad niya. “There are no words to express how much I will miss my Abadaba and my one and only Momby. Your love and support means the world to me.”
Kalakip ng makabagbag-damdaming mensahe ni Billie ang vintage photo ng kanyang sarili kasama ang kanyang yumaong ina at lola.
Nasa eroplano si Fisher, 60, sa 11-oras na flight mula London patungong Los Angeles nooong Disyembre 23, 2016 nang atakihin sa puso. Isinugod siya ng paramedics sa malapit na ospital, at pumanaw doon nitong Disyembre 27.
Pagkaraan ng isang araw, isinugod naman si Debbie Reynolds sa ospital dahil sa stroke. Pumanaw din ito pagkaraan ng ilang oras, sa edad na 84.
Ibinahagi ng anak ni Debbie na si Todd Fisher sa 20/20 na pinaplano ng kanilang pamilya ang sabay na paglilibing sa dalawang dakilang aktres. (People.com)