jericho-arci-at-john-copy-copy

TRULILI kaya na dahil kay Arci Muñoz ay tatapusin na ng ABS-CBN ang teleseryeng Magpahanggang Wakas mula sa business unit ni Direk Ruel Bayani?

Tsikahan ng ilang mga katoto, hindi raw makasabay si Arci sa acting nina Jericho Rosales at John Estrada kaya lumalaylay ang istorya.

Bukod dito, parang ispageting pababa nang pababa at paminsan-minsan ay tumataas ang ratings ng Magpahanggang Wakas.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi dapat binibigyan si Arci ng heavy drama dahil hindi naman niya forte ‘yon, pang romantic comedy (rom-com) siya. Tulad nu’ng mga pelikula niya sa Star Cinema,” sabi ng isang sikat na kolumnista.

Hirap na hirap nga si Arci sa heavy drama at sa totoo lang ay kailangan uli niyang mag-workshop dahil kulang na kulang pa ang acting niya.

Nanghihinayang naman kami sa Magpahanggang Wakas na isa pa naman sa pinapanood namin kapag nasa bahay kami bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano at Till I Met You na malapit na ring magpaalam.

Umabot ba sa isang season ang Magpahanggang Wakas, Bossing DMB?

Tungkol naman sa Till I Met You ng Dreamscape Entertainment, ang nakikita namang butas ng mga katoto at maraming nanonood ay ang pagiging mis-match daw si JC Santos sa tambalang James Reid at Nadine Lustre. Okay daw noong simula dahil may kilig-kilig pa, pero kalaunan ay nagsawa na sila sa karakter ng theater actor.

“Sana sequel na lang ng On The Wings of Love ang ginawa, tutal ikinasal at nagbuntis din ang kuwento ng JaDine sa TIMY, eh, di sana itinuloy na lang, kasi mas may kilig sina Clark at Lea kaysa kina Basti at Iris,” hirit naman ng isang kilalang editor.

“Kasi susundan mo talaga what happen next, eh. Kumpara sa Till I Met You na almost the same story, naiba lang ‘yung gay character nu’ng JC Santos na hindi bagay sa JaDine.”

Hirit namin, good thing lumabas ng isang season ang TIMY, actually, umabot pa nga sa second season.

Ang inaabangan ngayon ng lahat ay ang balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Ikaw Lang Ang Iibigin, ang A Love to Last nina Ian Veneracion at Bea Alonzo at ang La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang mga seryeng ito na ang mapapanood sa primetime simula ngayong Pebrero. (REGGEE BONOAN)