Pinatawan ng 60 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan ang limang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkakasangkot sa P7.8 milyong “ghost” repair at pagbili ng spare parts ng 192 service vehicle ng ahensya noong 2001. Dalawa pang opisyal ang pinatawan ng 30 taon sa kulungan.

Ang mga hinatulan ng 60 taong pagkakakulong ay sina DPWH Director III Burt Favorito, Officer-in-Charge Assistant Director Florendo Arias, Chief Maximo Borje, Equipment Inspector Rolando Castillo, at Chief Erdito Quarto.

Napatunayan na sila ay nagkasala sa two counts ng Estafa through Falsification of Public Documents at two counts ng paglabag sa Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

Ayon sa hukuman, sa bawat paglabag ng mga ito sa kasong estafa ay may katumbas na pagkakakulong ng 10 taon habang ang kasong graft ay may katumbas na pagkakapiit na 20 taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinintensyahan naman ng 30 taong pagkakakulong sina Officer-in-Charge Nelson Umali at Storekeeper Felipe San Jose sa kasong estafa at graft.

Isinama rin sa paghatol ang mga pribadong indibiduwal na sina car repair shops representatives Janette Bugayong ng GK & J Auto Repairs, Augusto Capuz ng BIZTRADE at Vicente Santos ng VIC-SAN Motorworks. Sila ay pinatawan din ng 30 taong pagkakakulong sa kasong estafa graft.

“The prosecutors proved during the trial that the accused connived with each other to facilitate and effect reimbursements amounting to P7,866,631.00 over “ghost” vehicle repairs and purchases of spare parts by committing fraudulent schemes such as: repetitive procurement of spare parts; splitting of job orders; excessive costs of repairs; and false claims of emergency repairs. Even a vehicle involved in an accident was falsely reported as repaired, and vehicles with rehabilitations allotments were subjected to emergency repairs – all in violation of existing DPWH and Commission on Audit policies,” saad sa desisyon ng korte. (Rommel P. Tabbad)