Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Pinay na umamin na sila’y mangingibang-bansa upang maging mga ina para sa mga dayuhang kliyente kapalit ng salapi.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na pasakay na ang apat na babae kasama ang kanilang recruiter sa Thai Airways flight sa NAIA 1 terminal noong Linggo nang harangin ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit.

Umamin ang apat na biktima ng human trafficking na paglapag sa Bangkok ay muli silang lilipad patungong Phnom Penh kung saan sila sasalubungin ng Cambodian na nag-ayos ng transaksiyon sa mga dayuhan na magiging ama ng mga sanggol na kanilang ipagbubuntis.

Sa proseso ng surrogacy, ipagbubuntis ng isang babae (tinatawag na surrogate) ang sanggol ng isang mag-asawa na hindi kayang magkakaanak sa normal na paraan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ng mga biktima na pinangakuan sila na babayaran ng US$ 8,700 upang maging ina ng mga anak ng mga kliyenteng German, Nigerian, Australian, at Chinese. (Mina Navarro)