Pinagsasaksak ng isang babae ang kanyang sarili matapos itong sampalin ng kanyang kapatid sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nilalapatan ng lunas si “Juday”, 21, estudyante, ng Lacson Street, Tondo, dahil sa tinamong apat na saksak sa leeg.
Sa report ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 7:00 ng gabi nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Sa salaysay ni Andrew, kapatid ng biktima, nabatid na bago ang insidente ay nagkasagutan sila ni Juday dahil sa hindi pagkakaunawaan.
Sa kainitan ng pagtatalo ay nasampal umano niya ang biktima na naging dahilan upang magwala ito at kumuha ng kutsilyo hanggang sa nagsaksak sa leeg.
Ayon naman kay Mila, ina ni Juday, hindi ito ang unang pagkakataon na nagtangkang magpakamatay ang kanyang anak dahil madalas umano itong ginagawa ng biktima tuwing nagkakaroon ng problema o may nakakaaway. (MARY ANN SANTIAGO)